|
Takot magnegosyo Sa Pilipinas, ang tinuturo sa ating ng ating mga magulang ay dapat magaral ng maayos para makakuha ng magandang trabaho. Bihira mangyari na ang magulang ay magpayo sa anak na magnegosyo. Naninawala kami ng ang pagnenegosyo ay natutunan. Dapat lang baguhin ng mga Pilipino ang mentalidad natin na hindi natin kaya. Ang malaking takot kaya ayaw magnegosyo ang mga Pilipino ay takot sila mawala ang pera na naipon nila. Takot rin sila pumasok dito dahil hindi nila gamay ang pagnenegosyo. Nagagalak ako na ang kampanya ng gobyerno “Go Negosyo” ay nakakatulong sa pagbago sa mentalidad na ito. Kapag dumadami ang negosyante, dumadami rin ang mga trabaho para sa ating mga kababayan. |